Hating gabi na’t ako’y gising pa
Pilitin mang matulog ay ‘di magawa
Yakap-yakap ang una’t umiiyak sa kama
Puso’y nagdaramdam, sayo’y nangungulila
Aking matatamis na ngiti’y biglang naglaho
Buhat nang malaman kong laan na sa iba ang ‘yong pagsuyo
Aking puso’y napuno ng paghihinagpis
Pagkat naparam na ang pangarap kong matamis
Ang tulang ito’y laan sa’yo
Aking sinisinta, aking iniirog
Iyo sanang maramdaman, aking pagmamahal
Ngunit pa’no na kung iba na ang ‘yong sinisinta?
Bawat gabi, ang aking panalangi’y
Aking nararamdaman ay suklian mo rin
Ako sana’y iyong makita
Pakinggan, makausap at maalaala
Ngunit ngayong ako’y nag-iisa
At ika’y kapiling ang iba
Walang magawa’t maisip maliban sa’yo
Kaya’t ako’y naririto, nagsusulat para sa’yo
© 2009
Princess Shelly Ann Carla J. Aguiman
All rights reserved
0 comments on "Tula Para Sa’yo"
Post a Comment